Pinapadali ng Classroom ang pakikipag-ugnayan para sa mga mag-aaral at guro—sa loob at labas ng mga paaralan. Nakakatipid sa oras at papel ang Classroom, at pinapadali nitong gumawa ng mga klase, mamahagi ng mga assignment, makipag-ugnayan, at manatiling naka-organize.
Marami ang benepisyo sa paggamit ng Classroom:
• Madaling i-set up – Ang mga guro ay puwedeng direktang magdagdag ng mga mag-aaral o magbahagi ng code sa kanilang mga klase para makasali sila. Ilang minuto lang ang kailangan para i-set up ito.
• Nakakatipid ng oras – Ang workflow ng assignment na simple at walang papel ay nagbibigay-daan sa mga guro na gumawa, mag-review at magmarka ng mga assignment nang mabilis, nang nasa iisang lugar ang lahat ng ito.
• Nagpapahusay sa pag-organize – Makikita ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang assignment sa isang page ng mga assignment, at ang lahat ng materyales sa klase (hal., mga dokumento, larawan, at video) at awtomatikong isinasaayos sa mga folder sa Google Drive.
• Nagpapaganda sa komunikasyon – Binibigyang-daan ng Classroom ang mga guro na magpadala ng mga anunsyo at magsimula kaagad ng mga talakayan sa klase. Ang mga mag-aaral ay puwedeng magbahagi ng mga mapagkukunan ng impormasyon o magbigay ng mga sagot sa mga tanong sa stream.
• Secure – Tulad ng iba pang mga serbisyo ng Google Workspace for Education, ang Classroom ay walang mga ad, at hindi kailanman gumagamit sa iyong content o data ng mag-aaral para sa layunin ng advertising.
Abiso sa Mga Pahintulot:
Camera: Kailangan para payagan ang user na kumuha ng mga litrato o video at i-post ang mga iyon sa Classroom.
Storage: Kailangan para payagan ang user na mag-attach ng mga larawan, video, at lokal na file sa Classroom. Kailangan din ito para bigyang-daan ang offline na suporta.
Mga Account: Kailangan para payagan ang user na piliin kung aling account ang gagamitin sa Classroom.
* Mga pag-aayos ng bug at pagpapahusay sa performance